83rd IBPA, bigo sa planong pagsalakay

Bandang 2:35 ng umaga, Hulyo 14 tinangkang salakayin ng pinagkumbinang tropa ng 83rd IBPA at 22nd IBPA ang isang yunit ng Tomas Pilapil Command-BHB East Camarines Sur sa isang sityo sa Brgy. La Medalla, Tinambac. Subalit dahil bago pa man ang pangyayari ay nakatanggap na ang mga kasama ng impormasyon mula mismo sa 22nd IBPA na mayroong pinaplanong atake, nakaalerto na ang mga kasama agad na nakapaghanda para sa mapagpasyang pagharap dito.  Mabilis ding nag-blast ang Command-Detonated Explosives na nakatanim sa pwesto ng kaaway.

Lima ang namatay sa hanay ng militar. Ayon pa sa mga nakuhang impormasyon ng TPC, may ibinalot pang mga bangkay mula sa lugar ng labanan na isinakay sa isang military truck at agad na umalis sa lugar. Samantala walang namatay sa hanay ng BHB. Bagamat may dalawang nasugatan sa panig ng mga kasama, kagyat silang nalapatan ng paunang lunas ng medical officer ng yunit. Ligtas na nakamaniobra ang yunit ng BHB.

Dahil nabigo sa kanilang atake, binalingan ng mga militar ang masa sa erya. Nagpaputok ang kaaway malapit sa mga kabahayan hanggang alas-kwatro ng umaga at sinunog pa ang bahay ni Rodoleo Arnaldo.

Matapos din ang pangyayari, dalawang trak ng militar ang pumasok sa erya. Hanggang ngayon, nananatili ang presensya ng militar sa lugar. Kaugnay nito, nananawagan ang TPC sa mga upisyales ng lokal na gubyerno, taong-simbahan at iba pang tagapagtaguyod ng karapatang-tao na maging mapagbantay at kagyat gumawa ng mga hakbangin upang pigilan ang tiyak na pang-aatake at pang-aabuso ng 83rd IBPA sa mga sibilyan sa lugar at mg kanugnog na baryo.

Biguin ang Oplan Kapanatagan!
Isulong ang Digmang Bayan!